For the English version of this article, click here.
⚠️Tandaan Kung napindot mo ang Order Received bago pa dumating ang parcel, basahin ito. |
Ang Shopee Returns Window ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga buyer na suriin kung may problema ang kanilang natanggap na order, o kung magbago ang kanyang isip na bilhin ang produkto (para sa piling item lamang). Maaari siyang mag-raise ng return/refund request sa pagkakataong ito, kahit pa na tinanggap na nito ang order at ito ay nasa Completed tab na.
Seller Type | Buyer Confirm Time | Shopee Returns Window |
Mall | 7 days from delivery | 15 days from delivery |
Non-Mall | 3 days from delivery | 7 days from delivery |
Pagkumpirma na natanggap na ang order
Ang mga buyer ay pinapakiusapan na kumpirmahin kung natanggap na nito ang kanilang order, o kaya ay mag-file ng request para sa Return/Refund sa loob ng Buyer Confirmation Time o bago matapos ang Shopee Returns Window. Kung hindi, ang order ay magiging automatically completed na at ang bayad ay ibibigay na sa seller.
Pag file ng Return/Refund sa mga Orders
Para sa mga buyer na hindi nasiyahan sa kanilang order (o kaya nagkaroon ng Change of Mind para sa mga eligible order), maaaring mag-file ng request para sa Return/Refund bago matapos ang Shopee Returns Window.
Depende kung kailan ang pag file ng Return/Refund ng Buyer, ang order ay makikita sa sumusunod na My Purchases tab:
Panahon ng pag file ng Return/Refund Request | Order Tab Location |
Bago makumpleto ang order (bago pindutin ng Buyer ang Order Received) | TO RECEIVE |
Pagkatapos makumpleto ang order (pagkatapos pindutin ang Order Received, o pagkatapos ng Buyer Confirmation Time) | COMPLETED |
Basahin ang mga ito para malaman kung paano i-check ang status ng iyong return/refund request, paano i-claim ang refund ng iyong mga na-cancel na order, anong mangyayari matapos matanggap ng Seller ang iyong return/refund request, at paano mag-request ng return/refund.